top of page

Rocket

Traverse

May 27, 2023

Leaderboard (728x90).png

Pinilit na bumangon sa pagkahimlay, ang katawang matagal nang hinayaan na manamlay.


Binuksan ang panibagong lagusan ng matagal nang sinarang pangarap.


Kung may katanangunan mang nais ipabatid, sana'y agaran nang masagot.


Sapagkat kailanman ay 'di mahahanap sa iba ang solusyong hinahangad na matuklasan ng sarili.


Kay lawak at hindi maipaliwanag kung bakit nagsisiksikan ang mga tunog sa isipan.


Iwinasiwas ang mga kamay sa tubig hanggang sa hindi na makita ang sariling repleksyon.


Kung ako man ay nagpapahinga ay bakit ito nakapapagod?


Patuloy ang paggalaw ng mga kamay ng orasan, gayunpaman ay nananatili ang pagnanais na huminto.Aaliwin at tutugunan ang kagustuhan ng mga matang nakapalibot.


Bagamat isinilid na sa maleta ang mga personal na kagamitan, nagdadalawang-isip na tila may nakakalimutan pang isama.


Alin man ang nakaligtaan, bahala na ang ala alang magbalik nito balang-araw.


Puno man ng pag-aalinlangan ay haharapin na ang nag-aabang na panibagong bukas.


Sana ay maging maligaya ang batang batid lamang ay mga simpleng bagay sa mundo.


Leaderboard (728x90).png
bottom of page