
Shahana de Leon
Mar 22, 2023
.png)
Iyong makikitaÂ
Sa isang makipot na daan
Ang lalaking naka-puting damit.Â
Katabi ang kaniyang bisekletaÂ
Habang nagku-kumpuni.
Masisilayan mo ang pagkayap
ng langis sa kaniyang puting saplot
Dahil sa walang tigil na pagkalikot
Sa kagamitan na akala ng iba ayÂ
wala ng gamot.Â
Araw at gabi
Sinusuri ang ugat ng pagkasira,
Nagsasagawa ng inspeksyon,Â
At nagbibigay ng mungkahi,
Bilang kaniyang paraan
Upang maisulsi at muling magamit.
Maghapong nagpapadyak sa kalye
Upang tulungan ang kaniyang mga kliyente.
Dala ng kalamnan ay mainit na kape
Bilang lakas sa magdamagÂ
na pagkukumpuni.Â
Di man niya nasungkitÂ
ang kaniyang pangarap,
Kinapos man sa pag-abot
ng inaasam,Â
Dulot ng paghihirap,
May rasong handog namanÂ
ang hinaharap.Â
Simbolismo ay puti
Sa damit na may ikinukublingÂ
propesyong nawaglit.Â
Doktor ang pinilit na makamitÂ
Ngunit, sa kasalukuyan,Â
Naging doktor ng mga sirang gamit.Â
Hindi man gumagamot ng taong may sakit.Â
Bagkus, hawak ay distornilyador at plais
Para ang sigla ng iyong kagamitan ayÂ
mapanumbalik.Â
.png)
