
Anne Carla Mendoza
Mar 29, 2023
.png)
Huy kumusta?
Hugs with consent
Stay safe! Ingat palagi!
Bond us next time!
See you soonest!
Buntong hininga, nakaupo ka nga pala
Iba-ibang screen ang nakahain
sa mesang pinipillit mong lagyan ng pagkain.
Atensyon na punit,
magkakaiba ang isang iniisip,
“Mhie ano nga yung gagawin dito?”
“How may I help you today?”
“Hala ngayon pasahan?”
“Wednesday is laba day”
“May klase po?”
Lifespan, minus one,
Natutunan, negative one.
So, kumusta naman?
“Ito, okay lang naman.”
Unatin natin ang mga laman laman.
Sabayan mo ng himig ng katahimikan.
Bitawan sandali ang kalawakan ng lipunan.
Luwagan, higpitan, hagkan ang dapat hagkan
Nalulumbay na ang malambot mong unan.
Huy! Hinga ka.
Sa isasaradong mga mata
Ipikit mo na din muna ang mga bintana
ng tenga sa pag-aalala.
May utang ka pa ring kalma
sa puso at isip na nilunod na sa large iced mocha.
Walang pagmamadali ang mundo sa taong nagpapahinga.
.png)
